YOUNG CAMPUS JOURNALISTS SA REGION 1, NAMAYAGPAG SA NAGANAP NA NSPC 2025

Nagpakitang-gilas sa larangan ng journalism o pamamahayag ang mga young campus journalists sa buong Ilocos Region sa katatapos na National Schools Press Conference 2025 sa Ilocos Sur.

Namayagpag ang mga ito sa larangan ng Newswriting, Pagsusulat ng Balita, Pagsusulat ng Lathalain, Pagsulat ng Agham at Teknolohiya, Editorial Writing, Pagsusulat ng Balitang Pampalakasan, Pagwawasto ng Sipi at Pag-Uulo Ng Balita, Photojournalism, Pagkuha ng Larawang Pampahayagan sa Elementary Level.

Kinilala rin ang mga nagwagi sa writing competition na Pagsusulat ng Balita, Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita, Pagkuha ng Larawan, Column Writing para sa Secondary Level. Wagi rin sa Team Contest at nasungkit ang 1st place sa Pinakamahusay na Iskrip Radio Scriptwriting and Broadcasting, Best Script Radio Script Writing and Broadcasting sa elementary level habang nanalo rin ang sa Secondary Level sa larangan ng Best Infomercial Radio Scriptwriting and Broadcasting, at TV Scriptwriting and Broadcasting.

Tiniyak ng DepEd Region I na mas palalakasin pa ang suporta ng pamunuan patuloy na malinang ang kakayahan at talento ng mga campus journalist ng Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments