Naging inspirasyon ng isang young entrepreneur at certified plantita na si Kristin Mae Eñola ang kaniyang magulang na parehong plant lovers.
Sa segment na ‘Business as Usual’ sa Usapang Trabaho sa RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, ikinuwento ni Kristin na ang marami sa kanilang kapitbahay ang nagagandahan sa pananim ng kanyang magulang kaya naisipan niyang itayo ang BoyHalaman.ph
Bagama’t marami nang umusbong na plant business, tiniyak ni Kristin na abot–kaya ang presyo ng kanilang mga halaman at ang lahat ng ito ay organic.
Siniguro rin niyang hindi natatapos sa negosyo ang kaniyang koneksiyon sa mga customer dahil madalas pa rin niyang kinakamusta ang lagay ng kanilang mga pananim.
“Hindi ka lang dapat sa pagbebenta. Dapat mayroon kang after sales, konting pampalubag loob sa mga taong nagtitiwala sa produktong binili nila sayo. Ang lagi po naming sinasabi sa mga client, mag-message lamang sila kung may mga questions at hangga’t kaya naming sagutin at hangga’t kaya naming i-guide, iga-guide po namin sila dahil ang pagtatanim ay isang trial and error. “ paliwanag ni Kristin.