Young Farmers Challenge, suportado at palalakasin ng DA

Sinusuportahan at palalakasin pa ng Department of Agriculture (DA) ang proyekto ni Senador Imee Marcos na Young Farmers Challenge.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na napakaganda ng proyektong ito ng senadora dahil sa ngayon aniya kung titingnan, ang average age ng mga magsasaka ay 57 years old na at kung nais aniya ng gobyerno na gawin ang digitalize agriculture sa teknolohiya hindi makakasabay ang mga may edad kaya kailangan ng mga kabataan sa sektor ng pagsasaka.

Kaya naman, mahalaga aniya ang collaboration ng DA sa National Youth Commission (NYC) para mapalakas at mas mahikayat ang mga kabataan na pumasok sa agrikultura.


Sa ganitong paraang matuturuan ng mga magiging kabataang magsasaka ang mga may edad nang farmers na gumamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Partikular dito ang pagoperate ng machinery at pag-operate nang iba pang instrumento sa pagsasaka.

Naniniwala si Tolentino na ang paraang ito ay makakatulong para mas mapalawak ang produksyon ng agrikultura sa bansa.

Facebook Comments