YOUNG LEADERS SA DAGUPAN CITY, NILIBOT ANG INOBASYON SA BAY AREA, CALIFORNIA

Bilang bahagi ng pagsisikap na hubugin ang mga susunod na lider ng Dagupan, ang mga Young City Officials ng lungsod, na kilala rin bilang Manlingkor Ya Kalangweran (MYK), ay nagsagawa ng pagbisita sa ilang pangunahing sentro ng pagkatuto at inobasyon sa Bay Area, California.

Kabilang sa kanilang mga pinuntahan ang The Tech Interactive sa San Jose, ang mga eksibisyon sa San Jose Tech Museum, ang Meta Headquarters sa Menlo Park, Apple Park Visitor Center sa Cupertino, pati na rin ang mga makasaysayan at kilalang lugar sa Stanford University gaya ng Stanford Memorial Church, Main Quad, at Hoover Tower.

Sa mga pagdalaw na ito, nagkaroon ang mga kabataan ng pagkakataong tuklasin ang mga pandaigdigang institusyon na nakatuon sa teknolohiya, pagkamalikhain, pamumuno, at kultura. Mula sa hands-on na karanasan sa The Tech Interactive, sa pagbisita sa isang pandaigdigang sentro ng inobasyon tulad ng Meta, hanggang sa paglalakad sa mga akademikong lugar ng Stanford University, mas lumalim ang kanilang pagkaunawa sa kung paano nagsasanib-puwersa ang edukasyon, inobasyon, at mga pagpapahalaga ng komunidad upang mabuo ang mga matatag at progresibong lungsod.

Bawat lugar na kanilang napuntahan ay nagbigay ng inspirasyon, bagong pananaw, at mas malawak na pangarap para sa isang mas maunlad na Dagupan. Ang mga karanasang ito ay nagsilbing gabay para sa mga kabataan na magiging lider ng lungsod, na inaasahang mag-iisip nang malikhain, maglilingkod nang may malasakit, at magsusumikap para sa kapakanan ng bawat taga-Dagupan.

Facebook Comments