Yours Truly iFM April 6, 2021

11

Yours Truly iFM April 6, 2021 With iDol Julee Strawberry And iDol Bruno Banana (Photo from web/No Copyright Infringement)
Dear iFM,
Hello mga iDol! I’m Fidel Divinagracia of Cadiz City, Negros Occidental. Idol my gf po ako 3years and 9months na kami.  Nagtrabaho po sya sa Manila kasama po yong bestfriend kong lalaki na nagpapasok sa kanya sa work. Bago posya umalis may usapan kami na magpapakasal pagbalik nya. Umalis po sya ng Negros April 2020 at sabi po nya uuwi sya ng November 12 sa birthday ko.  Excited po ako sa pag-uwi nya pero noong umaga po ngNovember 12 tumawag yong pinsan ko na kasama nya sa trabaho. Sabi po nya 3 months ng buntis ang gf ko atyong bestfriend ko ang ama. Noong nalaman ko po na buntis yong gf nandilim po yongpaningin ko. Hindi ko po lubos maisip kung bakit nya nagawasakin to pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ko para sa kanya dahil mahal ko sya. Yong pinangako nyang kasal naging sakal. Pinalaglag ng  gf ko yong ipinagbubuntis nya kase gusto nyang makipagbalikan sa akin.  Umalis po ako sa lugar namin noong nalaman ko po na buntis  sya. Dahil sa nangyari gusto ko ng magpakamatay pero sabi po ng Mama ko andaming babae sa mundo. Idol sana mabigyan nyo ako ng advice kase di ko na po alam ang gagawin ko. Salamat po mga iDol!
Yours Truly,
Fidel

Facebook Comments