Naging matagumpay ang 3 araw na Youth Leadership Summit na isinagawa noong March 1-3, 2018 sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Nilahukan ito ng 56 na mga youth leaders mula sa 8 Baranggay ng DSA . Naging inisyatiba ang aktibidad ng 2nd Mech Battalion katuwang ang LGU at ibat ibang partners.
Tema ng programa ay “Molding the Youth Towards Responsible Leadership to the next Generation”. Kinabibilangan ng mga sports activities, lectures at cultural presentation ang 3 days YLS ayon pa kay 2nd Mech CMO Cpt. Rolando Ocharan.
Layuning ng aktibidad ay upang hikayatin pa ang mga kabataan na maging responsableng mamayan at umiwas sa ipinagbabawal na gamot at terorismo.
Naging bisita rin sa okasyon ang tubong Brgy. Elian DSA na si DENR ARMM Secretary Kahal “Jack” Kedtag na nagbigay ng inspirational message sa mga kabataan na kanyang mga kababayan.
“Mag-aral kayo ng mabuti” ito ang sentro ng mensahe ng kalihim para sa mga kabataan . Maging kaiisa rin tayo sa sinusulong na kampanya ni Presidente Rody Duterte na paglaban sa Droga, Terorismo at Corruption.
Pinasalamatan naman ni DSA Mayor Bai Anida Dimaukom ang lahat na nakiisa sa kanilang adbokasiya para sa mga kabataan ng kanilang bayan.