Youth leadership training, pinangunahan ng Pasig PNP

Nagsagawa ng booth camp leadership training ang Pasig PNP sa Sitio Cabading, Barangay San Jose, Antipolo City.

Ang dalawang araw na camp leadership training ay may temang “D2 KaMI: Droga’y Durugin, Komunismo at Masamang gawain ay Iwaksi”.

Nagsimula ang aktibidad sa tree planting activity sinundan ng physical conditioning at boodle fight na simbolo ng brotherhood at equality.


Layunin ng Youth Leadership Boot Camp ay para ihanda ang mga kabataan at student sector para sa practical leadership development nang sa ganun ay hindi agad ma-brainwashed ng communist terrorist groups.

Naniniwala naman si Police Lt. Catherine Deligente na ang youth leaders training na ito ay nakatulong para mas malaman ang mga ginagawang kampanya ng PNP laban sa iligal na droga at terorismo sa bansa.

Facebook Comments