Argentina – Naging maganda ang simula ni Christopher Tio sa kiteboarding eventr ng 2018 Youth Olympic Games (YOG) sa Buenos Aires, Argentina.
Nasa pang-anim na puwesto si Tio sa labing-dalawang kalahok sa kaniyang event na tatagal ng limang araw.
Hindi naman pinalad na makausad sa knockout stage sa ping-pong si Jann Mari Nayre matapos itong matalo sa top seed na si Kanak Jha ng Estados Unidos, 13-11, 11-8, 15-13 at 11-8.
Natapos ni Nayre ang elimination round sa isang panalo at dalawang talo.
Hindi rin nakapasok sa finals ng 100M freestyle ang swimmer na si Nicole Justine Marie Oliva matapos makapagtala lamang ito ng 57.33 seconds sa event.
Sa kabila nito, may pagkakataon pa si Oliva na makapasok sa medal race dahil nakatakda itong lumahok pa sa tatlo pang swimming event ng YOG.