Pinatunayan ng mga kabataang atleta sa Pangasinan na abot-kamay nila ang pangarap na kampeyonato, dahil sa bawat hampas ng bola kalakip ay determinasyon at pagpupursige upang manalo.
Kampeon ang Usad Pangasinan youth volleyball team na siyang naging kinatawan ng bansa sa katatapos lamang na Korea Volleyball Cup Danyang 2026 noong January 24 to 27, 2026.
Naganap ito sa bansang South Korea kung saan nakatunggali ng ating mga manlalaro ang iba’t ibang kinatawan ng bansang Mongolia, Malaysia, at South Korea na siyang nakalaban nila sa championship.
Ang panalong ito ng Usad Pangasinan ay ang kauna-unahang international title ng Pangasinan at ng Pilipinas sa naturang kompetisyon.
Sa isang panayam sa kanilang coach na si coach Anthony Jhon Dela Cruz, pinaghandaan at puspusan umano ang training na kanilang ginawa para maiuwi ang championship.








