Youtube sensation Mikey Bustos, nagladlad na relasyon sa kanyang manager, inamin

Nagladlad na ang Youtube sensation at Fil-Canadian na si Mikey Bustos nang tunay niyang pagkatao.

Inamin na kasi ngayon ni Mikey na miyembro na siya ng kapederasyon ng mga baklos o gay.

Bukod dito, inamin rin nito na may relasyon sila ng kanyang long-time Manager na si RJ Garcia.


Sa instagram picture ng Filipino-Canadian Vlogger, makikita na ang wacky picture nila ni RJ sa white beach sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Mayroong caption pa ito na “Happy Easter #Newlife na may easter egg, heart at rainbow flag emoji.

Matatandaang, sumikat ang si Mikey dahil sa mga kuwelang internet video na naglalarawan sa kultura ng pilipino.

Facebook Comments