YouTube sensation na si Mimiyuuh, humingi na ng paumanhin sa mga fans ng Blackpink matapos umanong insultuhin ang grupo

Hindi nagustuhan ng mga fans ng K-pop group na Blackpink ang ginawang pang-iinsulto ng YouTube sensation na si Mimiyuuh sa kanilang idolo.

Ito ay matapos lumabas sa vlog ni Mimiyuuh kung saan sinabi nito na may kuto si Rose, isa sa mga miyembro ng grupo, dahil sa madalas na pagbabago nito ng kulay ng buhok.

Dali-dali namang nag-sorry si Mimiyuuh sa Blink (tawag sa mga fans ng Blackpink) dahil sa tila pang-iinsultong paggaya niya sa isa sa mga miyembro nito.


Ayon kay Mimiyuuh, wala siyang intensyon na siraan o insultuhin ang Blackpink nang ilagay niya sa pinned comment ng kanyang vlog ang “Mimiyuuuh as Lisa Manoban for a day”.

Itinanggi rin nito ang mga paratang ng ibang Blinks na ginagamit niya ang grupo para siya ay sumikat.

Sa katunayan kasi aniya, 2016 pa siya fan ng grupo kung saan lumabas ang single ng Blackpink na ‘Whistle’ at ‘Boombayah.’

Facebook Comments