Pagbabalik ng Pilipinas sa ICC, pag-aaralan ng Senado

Pinag-aaralan ng Senate Committee on Rules ang posibilidad na ibalik ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Senate Majority Leader at Committee on Rules Chairman Joel Villanueva, pag-aaralan at kokonsultahin niya ang mga kapwa senador at mga eksperto tungkol sa usapin kung kailangan ng concurrence o pag sang-ayon ng senado para bumalik muli sa ICC.

Sinabi ni Villanueva na may iba’t ibang magkakaibang posisyon tungkol dito.


Tinukoy ng senador na noong kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute o sa kasunduang bumuo ng ICC, ay walang concurrence o pag-sang-ayon sa mataas na kapulungan.

Mababatid naman na unang ibinahagi ng DOJ na naghahanda sila ng briefer para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., kaugnay ng sinasabing posibilidad na sumali muli ang Pilipinas sa ICC gayundin ang pros and cons nito.

Facebook Comments