Inanunsyo ng National Irrigation Adminitration o NIA na aabot sa higit ₱200.3 milyon ang halaga ng pinsala sa irigasyon at mga pananim sa CALABARZON dulot ng nagdaang Bagyong Aghon.
Batay sa ulat ng National Irrigation Adminitration, kabuuang 6,015 ektarya ng agricultural lands ang napinsala at 6,569 magsasaka ang naapektuhan.
Paliwanag ng NIA nangangailang ng ₱200 milyong pondo ang ahensiya para makumpuni at maibalik sa maayos na serbisyo ang mga nasirang irrigation system.
Kabilang sa mga nasira ang mga irrigation canal, protection works, canal structures at dams sa mga lalawigan sa CALABARZON.
Nakipag-ugnayan na rin ang NIA sa mga Local Government Unit (LGU) at kinauukulang ahensya para matulungan ang mga apektadong magsasaka.
Sa panig ng NIA, aktibo na ang Operations and Maintenance Personnel nito sa pagtanggal ng debris sa mga irrigation canals bilang unang hakbang para maayos ang mga nasirang pasilidad.