YUMAO | Isa sa mga evacuees sa posibleng pagputok ng Bulkan Mayon, namatay sa evacuation center

Tabaco City, Albay – Isang bakwit ang nasawi sa mismong evacuation center sa Tabaco City, Albay.

Ito ang inulat ng Tabaco PNP.

Sa ulat alas-5:00 ng umaga kanina nang makita ang biktima na wala ng buhay sa Mayon Elementary School, Barangay Buang, Tabaco City ang kanilang nagsisilbing evacuation center.


Kinilala itong si Teodolo Precia, 81-anyo,s may asawa, at residente ng P-1 Barangay Buang, Tabaco City, Albay.

Ang biktima ay nasawi sa katandaan.

Sa ulat ng PNP, ang nasawing si Precia ay ang pinakamatandang evacuee sa nasabing evacuation center.

Facebook Comments