Amerika – Binigyang-katuparan ng kanyang pamilya ang hiling ng isang yumaong lolo sa Philadelphia, Amerika.
Ito ay ang paglalagay ng dalawang cheese steak sandwich sa hukay na kanyang pinaglibingan.
Ayon kay Dominic, apo ng namayapang si Richard Lussi – paborito raw kasi ito ng kanyang lolo at kilalang suki ng cheese steak sandwich sa isang fast food chain.
Pero ang pakiusap lang daw niya, huwag samahan ng sibuyas dahil baka raw dalawin sila ng matanda.
Namatay si Richard dahil sa komplikasyon sa puso dahil na rin daw sa sobrang pagkain ng nasabing sandwich.
Libre namang ibinigay ng may-ari ng fast food chain ang hiling nitong dalawang cheese steak sandwich pero ipinagtataka kung para kanino ang isa.
Biro niya, baka raw isusuhol ito ni Richard kay San Pedro.