Yumaong si SP Member Eugenio Asirit, Pinalitan na ng Anak

20

Cauayan City, Isabela- Pormal nang nanumpa bilang pinakabagong kasapi ng konseho ng Lungsod ng Cauayan si SP Member Eugenio Asirit IV o mas kilala sa tawag na ‘Balong’.

Si SP Balong ay anak ni dating SP Member Eugenio Asirit na yumao dahil sa karamdaman noong June 04 taong kasalukuyan.


Mismong si Isabela Governor Rodito Albano III ang nanguna sa pagpapanumpa na sinaksihan ni Cauayan City Mayor Bernard Dy at ilan pang kasapi ng konseho.

Tahimik at mahilig sa Sports kung isalarawan si SP Balong Asirit ngunit ayon kay SP Member Egay Atienza ay karapat dapat itong pumalit sa kanyang namayapang ama dahil sa katangian nitong pagiging matulungin.

Kung sa kasanayan ay hindi rin maisasantabi ang kanyang karanasan at exposure sa konseho ng barangay San Fermin at nagsilbi na rin siya sa Sangguniang Kabataan.

Facebook Comments