“Yung pagka-presidency ko is really a gift from God” – Digong

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na regalo sa kanya ng Panginoon na pamunuan ang buong bansa. Sinabi niya ito sa kanyang talumpati kagabi sa bayan ng Garcia-Hernandez, Bohol.

“Yung pagka-presidency ko is really a gift from God. Masabi ko na ngayon take your cue from me. I would ask you bluntly. Did you ever thought at that time I will win? Wala talaga,” banggit ni Duterte.

Ayon pa kay Duterte, pumanig sa kanya ang kapalaran na mailuklok siya bilang Presidente ng Pilipinas.


“Hindi naman ako nagyayabang. I’m not the type na may hangin, pero na-timing lang. Mabuti na lang ako ang na-presidente,” ani Pangulo.

Pahayag pa niya, maliit lang rin ang natanggap niyang suporta noong tumatakbo pa siya. Kabilang sa mga tumulong sa kanya ay mga muslim at intsik na naninirahan sa bansa.

“I had the support of the Chinese community and almost everybody. Wala ako even in Danao, sa Cebu. Ang nagsuporta lang sa akin ang mga pinsan ko and that was it. But I won heavily sa mga Muslim areas, nag-landslide ako, and dito sa Visayas. Even without a little time to campaign. Do I have money? Wala talaga ako and yet I won,” dagdag ng Pangulo.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, binabatikos ni Duterte ang Simbahang Katoliko dahil kinukundena nila ang paraan ng administrasyon sa pagsugpo ng droga na nauuwi sa extra judicial killings. Sa iba niyang mga talumpati, kinukuwestiyon niya ang paniniwala ng simbahan at kung totoong may Diyos.

 

Facebook Comments