Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalawak nito sa Z Benefits Package para sa breast cancer patients.
Sa harap ito ng naitatalang 27,000 na mga bagong kaso ng breast cancer kada taon sa Pilipinas.
Sa anunsyo ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr., itinaas sa ₱1.4 million ang kanilang package para sa breast cancer epektibo nitong March 30, 2024.
Ito ay mas mataas ng 1,400% mula sa dating breast cancer package na ₱100,000.
Umaasa naman ang PhilHealth na sa pamamagitan ng enhanced Z Benefits para sa breast cancer ay makukumbinse ang mga kababaihan na magpa-check up at mailigtas ang maraming buhay.
Ito ay lalo na’t sakop din ng PhilHealth Konsulta Package mammogram at ultrasound.