Pinayagan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang apela ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan na ilipat mula sa Taguig-Pateros District Hospital patungong Philippine Heart Center (PHC).
Ito ay matapos makitaan ng merito ang kanyang grounds na nakasaad sa kanyang motion to transfer.
Pero hindi pinagbigyan ni QCRTC Branch 221 Judge Jocely Solis-Reyes ang paglipat ni Ampatuan sa St. Luke’s Medical Center sa Global City sa Taguig kapag na-deny ang admission nito sa PHC.
Pinili ng kampo ni Ampatuan ang PHC dahil sa kumpleto ang equipment nito na kailangan ng akusado at mayroon na siyang confinement records dito.
Si Ampatuan ay iniinda ang congestive heart failure.
Matatandaang idinala si Ampatuan sa Taguig Hospital nitong June 24 matapos makaranas ng hirap sa paghinga, hilo at high blood pressure.