Thursday, January 29, 2026

Zaldy Co, nagbitbit ng P5.85-B crypto currency sa pagtakas sa bansa —SILG Remulla

May dala umanong $100 million cryptocurrency o katumbas ng P5.85B si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co nang tumakas siya ng bansa nang pumutok ang isyu ng maanomalyang flood control project noong July 2025.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, ito ang ginagamit ngayon ni Co sa paglipat-lipat niya ng bansa dahil na freeze na ang kaniyang credit card.

Giit ni Remulla, kriminal talaga si Co.

Napaghandaan aniya nito ang lahat, partikular ang escape route ng pera na magagamit nito.

Makikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa Sweden para sa paghahanap kay Co.

Paigtingin din ang coordination ng gobyerno sa mga bansa upang ipa red flag ang foreign passport ni Co.

Facebook Comments