Zaldy Co, nagtangkang mang-blackmail para hindi makansela ang passport —PBBM

Ito ang ibinunyag ngayong Miyerkules ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay sa mga serye ng “pasabog” umano ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon sa pangulo, nakikipag-negosasyon ang kampo ng dating kongresista para huwag kanselahin ang kaniyang passport.

Kapalit daw nito ang hindi na paglalabas ng mga video ni Co na idinidiin ang presidente, pinsang si dating House Speaker Martin Romualdez at Presidential Son na si House Majority Leader Zandro Marcos sa isyu ng umano’y bilyun-bilyong pisong budget insertions.

Pero sabi ng pangulo, wala raw siyang balak makipag-negosasyon sa mga kriminal.

Tiniyak din ni PBBM na makakansela pa rin ang passport ni Co na kasalukuyang nagtatago sa ibang bansa.

Sa naturang video rin nang kumpirmahin ng pangulo ang pag-freeze sa bilyun-bilyung pisong ari-arian nito kasama na ang mga air assets.

Facebook Comments