Naramdaman sa ilang lugar sa Metro Manila ang magnitude 4.8 na lindol na tumama sa lalawigan ng Zambales kaninang alas-8:28 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang episentro ng lindol pitong kilometro timog kanlurang bahagi ng Cabangan, Zambales.
Ito ay may lalim na 055 at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity IV na lindol sa San Felipe, Zambales at intensity III naman sa Quezon City at Malabon City.
Instrumental Intensities:
Intensity III – Olongapo City, Zambales
Intensity I – Quezon City, Marikina City, Malolos City, Bulacan, Gapan City, Nueva Ecija at Guagua, Pampanga
Facebook Comments