Zamboanga City, binulabog ng pagsabog; 2, patay!

Zamboanga City – Patay ang dalawang katao habang tatlo ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang mosque sa Logoy Diutay, Barangay Talon-Talon, Zamboanga City.

Nangyari ito bandang alas-12:00 kanindang madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Satal Bato, 47-anyos at Rex Habil, 46 anyos.


Inoobserbahan naman sa Zamboanga Medical Center ang tatlong nasugatan sa insidente.

Base sa paunang impormasyon mula kay Police Provincial Office 9 (PRO-9) Director, Chief Supt. Emmanuel Licup – isang hindi nakikilalang suspek ang nagtapon ng granada sa loob ng Maharlika Mosque habang natutulog ang mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek maging ang motibo ng mga ito.

Facebook Comments