Zamboanga City, inaasahang ilalagay sa red alert status sa Mahal na Araw

Zamboanga City, Philippines – Simula sa Martes, ikakalat ang higit isang libong mga tauhan ng PNP at AFP sa lungsod ng Zamboanga para sa seguridad sa Semana Santa.

Maging sentro ng actibidad ang Cesar Climaco Freedom Park sa Abong-Abong Barangay Pasonanca at sa Fort Pilar Shrine dahil ito yung tradisyonal na pinupuntahan ng mga deboto kung saan kanilang ginagawa ang penitensya at sakripisyo para sa Mahal na Araw.

Ayon sa deputy chief for operation ng Zamboanga City Police Office Superintendent Alvin Saguban, maliban sa PNP at AFP, tutulong rin ang mga tauhan ng barangay at mga force multipliers.


Inaasahan ilalagay rin sa red alert status ang buong Zamboanga City upang masiguro na ligtas ang publiko habang inoobserbahan ang Mahal na Araw.

Magkakaroon rin ng shifting schedule ang pulis at militar kung saan walong oras ang kanilang duty sa mga lugar na may mga aktibidad.
Nation”

Facebook Comments