ZAMBOANGA – Isinailalim sa State of Calamity ang buong probinsya ng Zamboanga del Norte dahil sa tumitinding epekto ng El Niño.Sa ulat ng Zamboanga del Norte Provincial Office of Agriculture, umaabot na sa mahigit P162 million ang halaga ng danyos sa agrikultura dulot ng tagtuyot.Partikular na naapektuhan ang mga lugar bayan ng Sergio Osmena, Sibutad, Piñan, Labason, Gutalac, Godod, Sindagan, Manukan, Kalawit at Rizal.Kaugnay nito, mahigit 3, 000 magsasaka ang nagbarikada sa Koronadal City para manghingi ng tulong sa gobyerno dahil sa pagkalugi dulot pa rin ng El Niño.Panawagan nila ang libreng suplay ng bigas habang nakaharang sa ilang kalsada sa syudad.
Facebook Comments