Muli ngayong pinaalalahan ng Zamboanga del Norte Provincial Health Office (PHO) ang publiko na ugaliin ang malinis na kapaligiran lalo na ngayong panahon ng tag-ulan para maiwasan ang sakit na dengue.
Ayon kay Dengue Coordinator Ralph Ang, mayroong 296 reported cases sa lalawigan sa unang limang buwan nitong taon ang naitala ng PHO at dalawa nito ay namatay.
Dahil dito, pinaalalahanan ngayon ni Ang ang publiko na kailangang gawin bawat araw ang 4’oclock habit at ang search and destroy habit para masugpo ang mga lamok na nagdadala ng nasabing sakit.
Kasama sa sintomas ng dengue ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pamumula ng balat at iba pa.
Ayon kay Ang, kung magkakaroon ng ganitong sintomas agad na pumunta sa malapit na health center o di kaya’y magpakonsulta agad sa doctor. *-30- (M. L)*