Zamboanga Family’s Brand Sardines – PANALO

197

Naging Matagumpay ang Family’s Brand Sardines sa kanilang huling laban kontra Parañaque Patriots sa MPBL nung nakaraang Biernes Agosto 16, 2019 kung saan naging best player muli ang beteranong si Reed Juntilla na nakapagmarka ng double-double figure.  74-65 ang naging final score ng labanan.  Dahil sa panalong iyon ay nasa ika-4 na ranking na sila ngayon sa south division kung saan 6-4 win/loss ang kanilang record.

Makakalaban nila ang kuponan ng Bataan Risers sa Agosto 22, 2019, at ito ang magiging pang labing isang laban nila para sa Lakan Cup season ng MPBL.  Muling nagpasalamat ang team owner na si Ma’am Anita Kaw sa kanyang mga players at coaches sa matagumpay nilang laban kontra Parañaque.  Ganun din ang naging pahayag ng Team Manager na si Alvin Munio at ng iba pa nyang kasamahan sa management team ng Zamboanga Family’s Brand Sardines Basketball team.


Facebook Comments

From Advertisers