Zamboanga Peninsula, naka-alerto na rin sa posibleng pag-atake ng mga terorista sa Region 9

Naka-alerto na rin ang Zamboanga Peninsula sa posibleng pag-atake ng mga terorista kasunod ng dalawang suicide bombings sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Zambanga City Mayor Maria isabelle Climaco na siya ring Chairperson ng Peace and Order Council, may banta sa seguridad nila sa Region 9 bagamat hindi aniya nila alam kung saan ang eksaktong lugar sa rehiyon ang target ng mga terorista.

Kaugnay nito, inalerto na aniya nila ang kanilang mga gobernador.


Sa virtual tapatan news forum sa Maynila, sinabi ni Professor Rommel Banlaoi, Chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence, and Terrorism Research na malaki talaga ang posibilidad ng terror threat sa Zamboanga Peninsula lalo na malaki aniya ang populasyon ng kristiyano sa Zamboanga City.

Kabilang din aniya ang Zamboanga sa mga lugar kung na madalas na nag-ooperate ang grupo ni Furuji Indama.

Kasama rin aniya ang Zamboanga sa operation area ng Abu Sayyaf Group (ASG) kaya dapat palakasin pa ng mga otoridad doon ang kanilang mga security measures.

Facebook Comments