Zanjoe Marudo at Ria Atayde, nagkakamabutihan na nga ba?

How true ang chika na may namumuong pag-ibig sa pagitan nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde?

Hindi direktang masabi ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez na mayroon talagang namamagitan sa dalawa pero ang kwento sa kaniya ni Ria ay parang nagpaparamdam na tila nagliligawan.

Pero hindi rin niya makumpirma nang buo ni Sylvia sa panayam dahil wala pa namang umaamin.


Usap-usapan sa social media ang litrato nilang magkasama sa New York nitong Agosto dahilan para mabuo ang tsismis sa kanilang relationship status.

Facebook Comments