‘Zero backlog’ sa mga pending cases, nakamit na ng DAR

Ipinagmalaki ng Department of Agrarian Reform (DAR) na nakamit na nila ang ‘zero backlog’ sa mga pending cases na naisampa sa ahensiya.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, kabilang dito ang mga nakabinbing kaso noong 2019, 2018 at mga sinundang taon.

Base sa datos, abot sa 1445 cases na naitala noong 2019 ang mabilis na naresolba ng DAR Adjudication Board Central Office (DARAB).


May 4,041 cases din sa 15 rehiyon sa bansa ang natapos na at ang Central Luzon ang may naitalang pinakamaraming kaso ang nalutas na abot sa 1,207.

Sa bahagi naman ng Field Offices ng DAR , kabuuang  20,674 na bagong kaso o 94 %  ang naresolba  na noong nakalipas na taon mula sa kabuuang bilang na 22,081 cases.

Iniulat din ng Bureau of Agrarian Legal Assistance (BALA) na may 120 conversion cases o 100% na backlog mula 2018 at mga sinundang taon kabilang ang mga bagong kaso na isinampa noong 2019 ang nalutas na rin.

Kabilang din dito ang 7,812 na cancellation of cases.

Target naman ngayong taon ng DAR na makabili pa ng lupa ng hanggang 51 libong ektarya na ipamamahagi sa 102 libong farmer beneficiaries ng Agrarian Reform.

Facebook Comments