Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Health (DOH) na gawin ang lahat ng paraan para gawing libre at mapalawig ang zero balance bill sa mga pampublikong ospital.
Ayon kay Herbosa, kasama na rito ang mga nagtatrabaho o yung mga nasa working class.
Ang nangyayari kasi ang aniya sa kasalukuyan ay ang mga nasa poorest of the poor lamang ang nakakalibre sa mga ospital.
May mga pagkakataon daw na nagbabayad pa rin ang mga nasa naturang kategorya kapag nagpapagamot sa public hospitals dahil lumalabas sa evaluation ng mga social worker na kapag ang isang pasyente ay may trabaho, pinapalagay na may kakayahan itong magbayad ng kanyang hospital bill.
Kaya ang utos ni Pangulong Marcos na gawing libre na sa lahat at sa kahit na sinumang pumunta sa public hospital ang bayad tulad ng ipinatupad noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Kasama na sa target na zero balance bill ang libreng operasyon, gamot, at laboratoryo.