
Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang tumataas ng bilang ng mga pasyenteng naa-accommodate sa Overseas Filipino Worker (OFW) Hospital sa Pampanga.
Sinabi ni Cacdac na halos 100% ang itinaas ng bilang ng mga naka-confine sa OFW Hospital.
Habang halos 200% naman ang itinaas sa mga pasyenteng naoperahan.
Tiniyak naman ni Cacdac ang zero billing o walang babayaran ang OFWs at kanilang pamilya na mako-confine sa nasabing pagamutan.
Ito ay lalo nat nasa 100 serbisyong medikal ang libreng iniaalok ng OFW Hospital para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang dependents.
Facebook Comments









