‘ZERO BUDGET’ | Malakanyang, hindi natuwa sa joke ni Speaker Alvarez na zero budget sa mga kongresistang hindi susuporta sa Pederalismo

Manila, Philippines – Hindi natawa ang Malakanyang sa “joke” ni House Speaker Pantaleon Alvarez na banta nitong Zero Budget sa mga lalawigan ng mga pulitikong kontra sa pederalismo.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman sila natawa pero malinaw ang kanilang posisyong hindi makikialam sa trabaho ng mga Kongresista.

Aniya, independent ang kongreso sa pagsasagawa ng pag-amyenda ng konstitusyon at hindi manghihimasok dito ang palasyo.


Anuman aniya ang maging pahayag ni Speaker Alvarez kaugnay ng Federalismo ay hindi magbibigay komento rito ang palasyo dahil sariling opinyon ito ng House Leader.

Facebook Comments