ZERO BUDGET | Mga bayan sa Davao Del Norte na hindi nabigyan ng budget, tutulungan ni Mayor Sara Duterte-Carpio

Davao City – Nangako si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tutulungan ang mga munisipyo sa Davao Del Norte na hindi nabigyan ng budget.

Sinabi ng alkalde na makararating ang isyu kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinuturo ng mga opisyal sa Davao Del Norte si House Speaker Pantaleon Alvarez na umano’y may pakana sa zero budget.


Ayon kay Davao Del Norte Gov. Anthony Del Rosario – inilipat ni Alvarez ang dalawang bilyong pisong pondo sa kaynang distrito na dapat ay para sa ikalawang distrito na pinamumunuan ni Cong. Tonyboy Floirendo.

Matatandaang si Floirendo ay nakaalitan ni Alvarez.
<#m_5898980417193180496_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments