ZERO CASUALTIES SA PANANALASA NG BAGYONG UWAN, NAIULAT SA ILOCOS REGION

Walang naiulat na nasawi sa Ilocos Region matapos dumaan ang Super Typhoon Uwan nitong Linggo, Nobyembre 10, na nagdala ng malakas na ulan at hangin.

Ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Ilocos, nailikas nang maagap ang 14,349 pamilya o 45,649 katao mula sa 87 lungsod at bayan.

Kabilang rito ang mga apektadong lugar sa Pangasinan, na tinukoy bilang pinaka-apektado ng matinding pagbaha.

Nanatiling madaanan ang karamihan sa pangunahing kalsada at tulay, bagaman pansamantalang isinara ang Villaverde Road sa San Nicolas, Pangasinan, bilang pag-iingat laban sa landslide.

Ayon sa RDRRMC, ang zero-casualty record ay bunga ng maagap na evacuation, masigasig na impormasyon sa publiko, at koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at ahensya.

Facebook Comments