Inihayag ng Department of Health (DOH) na walang nasawi dahil sa paputok sa pagsalubong sa taong 2020.
Kasabay ito ng pagtatapos ng doh sa kanilang Fireworks-Related Injury (FWRI) surveillance mula ika-21 ng disyembre 2019 hanggang a-sais ng Enero 2020.
Batay sa FWRI surveillance report ng DOH, kabuuang 413 kaso ng FWRI ang kanilang naitala kung saan 411 sa mga ito ang nagtamo ng injury, firework ingestion o nakalulon ng paputok habang isa naman ang nabiktima ng stray bullet o ligaw na bala.
Mababa din anila ng 41 porsyento ang mga naitalang biktima kumpara sa pagsalubong sa 2019.
Wala ring naitalang kaso ng tetanus dahil sa fireworks-related injuries.
Facebook Comments