Zero casualty, naitala sa Bagyong Lannie

Wala pang naitatalang casualty sa Bagyong Lannie ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na umaasa silang mga minor damage lang ang maitatalang pinsala ng bagyo.

Sa ngayon ay nasa 221 pasahero na lamang ang stranded sa mga pantalan sa Calabarzon, Mimaropa, Region 6, 7, at 8.


Bukod dito, mayroon ding 130 rolling cargoes at 3 vessels ang stranded.

Limang insidente naman ng pagbaha at landslide ang naitala sa Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.

7 pamilya naman o katumbas ng 30 indibidwal sa Region 8 ang inilkas dahil sa sama ng panahon.

Facebook Comments