ZERO CASUALTY, NAITALA SA BAYAN NG TUMAUINI

CAUAYAN CITY- Walang anumang naitalang casualty sa paghagupit ni Bagyong Kristine sa bayan ng Tumauini, probinsiya ng Isabela.

Malaki ang pasasalamat ni Municipal Mayor Venus Bautista sa lahat ng tumulong sa kanilang bayan katulad ng mga local officials, barangay officials, at iba’t-ibang sangay ng gobyerno upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

Kaugnay nito, nagtungo naman ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini sa mga apektadong barangay kasama ang Relief Operation Team upang magdala ng relief goods at tulong sa mga apektadong pamilya.


Ayon kay Mayor Bautista, patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya upang mabilis ang kanilag pagbangon.

Facebook Comments