ZERO CASUALTY NGAYONG PASKO AT BAGONG TAON, ISINUSULONG SA DAGUPAN CITY

Nagkaisa ang mga opisyal at kinatawan ng national agencies sa Dagupan City sa pagpirma sa commitment wall bilang bahagi ng Iwas Paputok at Ligtas Christmas 2025 Campaign kahapon, Disyembre 23.

Layunin ng kampanya ang Zero Casualty ngayong kapaskuhan at bagong taon sa ilalim ng temang “Buhay ay Ingatan, Paputok ay Iwasan.”

Bilang alternatibo sa paputok, hinihikayat ng lungsod ang paggamit ng torotot at iba pang pampaingay upang maiwasan ang aksidente.

Pinayuhan din ng alkalde ang mga residente na makiisa sa kampanya, dahil ang kaligtasan ng lahat ay responsibilidad ng buong komunidad.

Facebook Comments