Zero casualty sa Bagyong Auring, nananatili ayon sa NDRRMC

Nananatili pa ring “zero casualty” ang bansa sa pananalasa ng Bagyong Auring.

Sa interview ng RMN Manila kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, bukod sa walang naitalang nasawi o nasaktan, wala ring naiulat na nawawala sa hagupit ng Bagyong Auring.

Sa kabila nito, nasa 179 na kabahayan na ang naitalang partially damaged.


Sa ngayon ay aabot na sa 16,059 pamilya o 59,170 katao mula sa Region 7, 8, 10 at Caraga ang inilikas at nasa 308 na evacuation center.

Samantala, umabot naman na sa mahigit 4,500 ang mga pasaherong stranded sa ibat ibang pantalan sa Bicol region, Visayas, Northern Mindanao at Northeastern Mindanao.

Sa interview ng RMN Manila kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo, sinabi nito na wala silang naitatalang aksidente sa karagatan na may kaugnayan sa bagyo at patuloy ang kanilang monitoring.

Naka-deploy na ang mga tauhan ng PCG upang tumulong sa mga binahang lugar dahil sa Bagyong Auring.

Facebook Comments