Zero Casualty ang naitala sa karamihan sa barangay sa Dagupan City sa nagdaang bisperas at salubong noong Disyembre 31 hanggang Enero 1.
Katuwang ang iba pang ahensya, nakamit sa bawat barangay ang kaligtasan ng mga residente mula sa kampanya na Iwas Paputok matapos ang masusing pagbabantay sa mga komunidad.
Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng zero incident ay mga barangay ng Pogo Chico, Lucao, Pugaro, Pantal, Bolosan, Poblacion Oeste, Bonuan Boquig, Gueset, Mamalingling, Herrero-Perez, Malued, at ilan pa.
Bahagi ng kampanya ang pag-iikot ng mga awtoridad sa mga barangay upang matiyak na walang susuway sa kampanya na maaaring makapanghamak pa ng ibang residente.
Giit ng Pamahalaang Panlungsod ang pagtalima sa mga ordinansa na sumesentro para sa kaligtasan ng publiko upang hindi mapatawan ng parusa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










