ZERO CASUALTY SA PAGGUNITA NG SEMANA SANTA, NAPAGTAGUMPAYAN SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Nanatiling maayos at zero casualty ang bayan ng San Nicolas sa pagdaos ng Semana Santa na nagsimula noong ika-4 ng Abril hanggang sa Resurrection Sunday o Linggo ng Muling Pagkabuhay.
Naging posible ito sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa iba’t ibang ahensya na silang umantabay upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan at kapayapaan ng nasabing bayan sa paggunita ng Holy Week.
Sapat ang mga pagresponde at pag-alalay na naibigay umano ng mga ahensya ng Incident Command Post (ICP) at Medic Post na siyang tumugon sa concernz mula sa mga residente.

Nakiisa rin ang hanay ng DRRMO Rescue Team, PNP, BFP, MHO, at mga accredited volunteers sa bayan na mula sa grupong Mata ng Masa Task Force, Kabayan, at Survivalist Philippines. |ifmnews
Facebook Comments