Zero-casualty sa pagsalubong ng Bagong Taon, target ng DILG

Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na makamit ang zero firecracker-related injury sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kaugnay nito ay inatasan ng DILG ang Philippine National Police (PNP) na kumpiskahin ang mga iligal na paputok at arestuhin ang sinumang lalabag sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Dapat ding magsagawa ng inspeksyon ang PNP sa mga manufacturing complex, warehouse at processing ares ng mga manufacturer at dealer ng mga paputok.


Habang inatasan din ang Bureau of Fire Protection (BFP) na paigtingin ang “Oplan Paalala/ Iwas Paputok” campaign nito na may battlecry na “Sa Halip na Paputok, Pito!”

Samantala, kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, kwiton, goodbye earth, goodbye bading, hello columbia and goodbye Philippines.

Ayon kay DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya, sa ngayon ay wala pang naitatalang firecracker-related injury at positibo aniya ang ahensya na kayang makamit ang zero-casualty target sa bansa.

Payo ng DILG sa publiko, pairalin ang disiplina at iprayoridad ang kaligtasan sa pagsalubong ng Bagong Taon sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments