
Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagtibayin pa ang healthcare system ng bansa sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Ayon kay Pangulong Marcos, target niya ang zero contribution sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), kung saan wala nang babayaran kahit piso ang mga Pilipino.
Gayunpaman, aminado ang pangulo na sa ngayon ay hindi pa ito kayang abutin dahil kulang pa sa pondo.
Mangyayari aniya ito kapag maayos na ang ekonomiya ng bansa na kapag nagawa ay administrative cost na lang sabi ng chief ang babayarang ng PhilHealth member na nasa may P100 lamang.
Ngayong umaga ay ipinimahagi ng pangulo ang 387 na Patient Transport Vehicle sa mga LGU sa Luzon.
Layon nitong siguruhin na ang bawat lalawigan ay may access sa reliable medical transport lalo na ang mga malalayong lugar.









