Gagawaran ng Manila City Government ang barangay na walang maitatalang positibong kaso ng COVID-19 mula ngayong araw, September 1 hanggang October 31, 2020.
Ayon kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, bukod sa insentibo ay bibigyan din ng sertipiko ng pagkilala ang bawat opisyal ng barangay para sa kanilang pagsisikap kontra sa pagkalat ng virus.
Base sa anunsyo ni Mayor Isko, pagbabasehan ng program ang COVID-19 data na manggagaling sa pampubliko at pribadong mga ospital na ibeberipika ng Manila Health Department.
Sabi ni Domagoso, kinausap na niya si Vice Mayor Honey Lacuna para makapaglaan ng mahigit ₱89 million sa nabanggit na programa.
Layunin ng hakbang ng lokal na pamahalaan ng Maynila na maging masigasig ang bawat barangay para labanan COVID-19.