Zero COVID case sa mga Filipino, naitala sa New Zealand

Kinumpirma ng Department of health (DOH) na walang tinamaan ng COVID-19 sa mga kababayan natin sa New Zealand.

Ayon kay Philippine Ambassador Jesus Domingo, walang naapektuhang Pinoy sa virus pero maraming OFWs sa South Pacific Nation ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasunod nito, sinabi ni Domingo na nabigyan naman ng tulong pinansyal sa ilalim ng DOLE AKAP Program ang mga displaced Filipino workers kung saan nakatanggap sila ng $200.


Nagkaloob din ang Philippine Embassy sa New Zealand ng food at housing assistance sa ating mga kababayan.

Sa datos ng Johns Hopkins University & Medicine Coronavirus Resource Center, nakapagtala ang New Zealand ng 1,497 COVID-19 cases kung saan 21 ang nasawi.

Facebook Comments