ZERO CRIME INCIDENTE, NAPANATILI NG BRGY. ANDARAYAN

CAUAYAN CITY- Nananatiling payapa at tahimik ang maliit na barangay ng Andarayan, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Virgie Ancheta, Kagawad sa nabanggit na Barangay, sa kabutihang palad ay walang naitatalang kaso ng nakawan ng mga alagang hayop at panloloob ng mga kabahayan ngayong taon.

Aniya, malaking tulong ang pag-ronda nga mga Barangay Tanod sa kanilang lugar upang mapanatili ang kaayusan na ito.


Dagdag pa niya, mapalad ang kanilang barangay dahil sumusunod sa mga ipinatutupad na ordinansa ang mga residente sa naturang lugar.

Samantala, inaasahan naman ni Kagawad Ancheta na kanilang mapapanatili ang kaayusan at katahimikan na ito para sa ikakabuti ng bawat mamamayan.

Facebook Comments