Umaasa ang isang opisyal ng simbahan ng Quiapo na walang maitatalang death incidents sa pagsasagawa ng Traslacion ng itim na Nazareno ngayong taon.
Ayon kay Minor Basilica of the Black Nazarene Rector, Monsignor Hernando Coronel, ipinapanalangin nila na walang fatalities o mamamatay sa Traslacion tulad noong nakaraang taon.
Pinapayuhan ni Coronel ang mga deboto na may medical conditions na huwag nang sumali sa prusisyon, o kaya naman ay magpadala na lang ng isang kaanak na may magandang kalusugan.
Dagdag pa ni Coronel, ang mga barbecue sticks mula sa mga street vendors ay pwedeng ikamatay ng isang deboto.
Maliban dito, ang mga isyung tutugunan sa Traslacion ay trapiko, at mga basurang maiiwan pagkatapos ng prusisyon.
Facebook Comments