ZERO DENGUE CAMPAIGN SA DAGUPAN CITY, PATULOY NA ISINUSULONG

Patuloy na isinusulong sa lungsod ng Dagupan ang Zero Dengue Campaign na may layong puksain ang posibleng mga bahaging pamugaran ng lamok na nagdudulot ng sakit ng Dengue.
Isinasagawa ang misting operations sa mga paaralan, lalo na para sa kapakanan at kaligtasan ng mga batang Dagupeno, sa mga palengke, sa bara-barangay maging sa mga opisina ng LGU ng lungsod.
Matatandaan naman na nitong buwan lamang ay nakapagtala ang City Health Office Dagupan ng limang panibagong kaso ng dengue sa lungsod at sa pinakahuling datos na nakalap ng IFM News Team, nasa 52 kaso ng dengue ang naitala noong January 1-August 31, dagdag ang limang bagong tala.

Bagamat bumaba umano ang porsyento nito kumpara noong nakaraang taon.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nasa 1,677 ang kumpirmadong kaso ng dengue as of September 18, 2023 at mas mababa ito ng 26%na umpara sa naitalang 2,290 na kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon. |ifmnews
Facebook Comments