ZERO DENGUE CASE, NAPANATILI NG BARINGIN SUR

CAUAYAN CITY- Nananatiling dengue free ang maliit na komunidad ng Brgy. Baringin Sur, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Jeffrey Cubillas, wala pang nairereport o naitatalang kaso ng dengue ngayong taon sa kanilang tanggapan.

Aniya, bagama’t nananatiling dengue free ang kanilang barangay ay pinaiigting naman nila ang pagpapatupad ng kalinisan sa bawat tahanan.


Dagdag pa niya, magsasagawa sana ng fogging ang kanilang hanay noong mga nakaraang Linggo ngunit naudlot ito dahil sa bagyo.

Samantala, inaasahan namang maisasakatuparan ang isasagawang fogging sa bawat purok ng Baringin Sur upang mas mapanatili pa ang estado na ito.

Facebook Comments